Short Funny Pinoy Jokes

by Marsha Espiritu
(Hong Kong)

September 3, 2007
Honest
Namatay ang isang mister na babaero. Sa requiem mass, sinabi ng pari patungkol sa namatay, "an honest man, a good man, a family man" et cetera.

Binulungan ng biyuda ang panganay na anak. "Pakisilip mo nga ang kabaong kung ang daddy mo nga ang nasa loob!"

DVD
Pedro: soli ko tong nabili kong DVD
Juan: anong problema?
Pedro: walang picture saka sound. Sayang, suspense thriller pa yata ito
Juan: anong title?
Pedro: The Lens Cleaner

Multo
Junjun: Pa, may multo daw sa kusina natin?
Papa: Anak, sino naman nagsabi sa iyo niyan?
Junjun: Si Mama po!
Papa: Ay nako, wag ka nga magpapaniwala dun! wala namang multo eh! Ang mabuti pa samahan mo na lang ako sa kusina at iinom lang ako ng tubig!!

Comfuter
Amo: Inday, ilipat mo nga ang comforter sa kwarto
Inday: san ko ilagay kuya?
Amo: Ipatong mo lang sa kama
Maya-maya...
Inday: andun na po. Sinama ko na rin ang frenter at iskaner...!!!

Banig
Thelma: Sabi mo dok, safe ang calendar method. Eh, bakit ako nabuntis?
Dok: Paano nyo ba ginamit ang kalendaryo?
Thelma: Ginawa naming banig!

Bumbayin
Girl: Maganda ba ako?
Boy: Oo, kaya lang, Bumbayin ka
Girl: Hindi naman ako mukhang bumbay ah? Tisay yata ito!
Boy: Oo nga, pero yung amoy mo, Bumbayin!

Click here to read or post comments.

Join in and write your own page! It's easy to do. How?
Simply click here to return to Pinoy jokes
.



footer for filipinos in arizona page