From Edmun Ledina Yoro ( 2nd Letter )
by Edmun Ledina Yoro
(Olongapo City, Philippines)
To My Dear Kababayans and to Ms. Maria,
Maraming salamat po sa pagtanggap nyo ng aking email at sa pag bigay ng oras upang ito ay basahin….
Sa aking email, nabanggit ko po ang aking kahilingan na tulong sa pag papaayos ng aking bahay. Ngunit sa panahon ngayon,
Alam ko naman po na nabalitaan nyo na ang sinapit ng ating mga kababayan at kamag anak sa pilipinas itong nakaraang bagyo.
Sa pagkakataon po na ganito, mas mainam po na sila nalang muna ang ihihingi ko ng tulong sa inyo dahil mas higit nilang kailangan ang ano mang tulong Sa kahit na anong paraan o bagay. Wag na po muna ako dahil kahit papano naman po ay mapalad pa din ako at ang aking pamilya sa hindi po naming sinapit Ang ganung pagsubok….
sana po ay makahap kayo ng paaraan na maipadala po ninyo ang nararapat na tulong sa ating mga kababayan o kamag anak na naging biktima ng nakaraan bagyo. Kung saka-sakali po, wag nyong ipadala o ipa ubaya o ipag katiwala ang inyong tulong sa ating Pambansa o Local na gobyerno.
Makipag ugnayan nalang po kayo sa mga NGOs o kaya po sa “ ABS-CBN Sagip Kapamilya Foundation” o kaya po sa “ GMA Kapuso Foundation” para po makisiguro kayo na makakarating po sa dapat patunguhan ang inyong tulong na ibabahagi. Pati po ako ay tutulong din sa abot ng aking makakaya.
Maraming Salamat Po at GOD Bless!
Mabuhay Po Kayo at Mabuhay ang PILIPINAS....
Edmun Ledina Yoro